“BATA KASAMA KA, IKAW AY MAHALAGA”


“BATA  KASAMA KA, IKAW AY MAHALAGA.”
Ni: Teacher Jenn
July 10, 2014

Interpreted By: JOVINICA S. MOHAMMAD
(Children’s Congress)

Bata, Bata
Ikaw ay mahalaga
Ang Poong Maykapal
Sa Iyo’y lumikha.

Mga magulang mo
Tuwang-tuwa sa’yo
Galing at talino
Ipakita sa mundo.

   

Halina’t sambitin
Mga tula’y bigkasin
Awit ay awitin
Ng may puso’t damdamin

Iguhit nang masaya
Iyong mga ideya
Maglaro at sumayaw
Hindi umaayaw.

Bata, bata halika!
Marami kang magagawa
Bata kasama ka
Ikaw ay mahalaga.




Comments

Popular posts from this blog

Isang Bala Ka lang!

Baga Cave Adventure

I Seek You for I Thirst: God in My Life