Isang Bala Ka lang!

          "Isang bala ka lang!" Ito ang sikat na linya ng yumaong Hari ng Action Movie na si Fernado Poe Jr. Isang bala na pwedeng kumitil  at sumira sa buhay ng tao.
          
            Nakatutuwang panoorin ang mga pelikula ni  FPJ  gamit ang isang bala. Kabaligtaran naman nito ang nangyari sa 56 na  taong gulang na si Gng. Gloria Ortinez na isang OFW. Dahil sa isang bala nabaliwala ang pagiging buhay na bayani niya sa loob ng 26 na taon.
 
           Noong ika 25 ng Oktubre 2015, nakuhanan ng isang bala ang bagahe ni Ortinez habang nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na  bumago sa buhay niya.

           Hindi na ligtas ang buhay ng mga pasahero sa NAIA dahil sa tinaguriang tanim-bala. Sino ba ang dapat sisihin? 

          Nakatatakot at nakababahala ang isyung ito na umabot na pati sa United Nations (UN). Nagbibigay narin ng travel advisory ang ibang mga bansa.

           Ito ba ang mukha ng paliparang gusto nating maabutan ng iba't ibang world leaders na dadalo sa darating na APEC Summit? Mga mukha ng pasaherong takot sa tanim-bala? Mga bagaheng balot sa plastic sa takot na malaglag-bala modus? Mga porter na pinagdududahan? Nakakahiya naman kung ito ang kanilang madaratnan.

          Panahon na para baguhin ang sistema. Aksyonan ang problema. Hulihin ang tanim-bala. Para buhay ay hindi maging, "Isang bala ka lang!".

           

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Baga Cave Adventure

I Seek You for I Thirst: God in My Life