Posts

Showing posts from 2019

Panahong Nasayang

Panahong nasayang Ni Princess Jenn Pag ang tao walang magawa Pinakikialaman buhay ng iba Tsismis dito, tsismis doon Hanggang oras ay maubos Sariling pagkakamali’y di makita Kawalan ng iba’y laging pinupuna Bakit ba tayo ganito? Mga tsismosa at tsismoso. Sayang lang ang panahon Tsismis ang inaasikaso Sana’y naging produktibo Buhay ay umasenso. Oras ay huwag sayangin Buhay ng iba 'wag halungkatin Sariling kamalian ang itama Upang buhay mo ay mapayapa

Kabataang Pinoy ni Princess Jenn

Image
Kabataang Pinoy Ni Princess Jenn Kabataan Pinoy ang pag-asa nitong bayan Si Gat.  Jose  P.  Rizal ang nagpasikat niyan Ano-ano kaya ang  puwede nating gawin? Upang bayang nililiyag  mapaunlad natin. Kabataang tulad ko,  mag-isip nang mabuti Paano ba paunlarin  bayang minimithi? Sisimulan natin sa ating mga sarili Tayo ay magsikap at mag-aral nang mabuti Pagdating ng araw kapag tayo'y magtagumpay Marami na  rin tayong puwedeng maibigay Mag-ambag tayo ng kabutihan sa 'ting bayan 'Wag maging pasaway at pasanin sa lipunan Kaya ngayon palang dapat nating paghandaan Ang magandang kinabukasan ating makamtan Tayo ang papalit at pag-asa nitong bayan Kabataan Pinoy kayang-kaya natin iyan!